MANILA, Philippines - May dalawang buwan pa ang mga aplikante ng PBA Rookie Draft – local at Fil-foreign – para kumpletuhin ang kanilang mga papeles para makasama sa nasabing event sa Nobyembre 3.
Binigyan ang mga Fil-foreign players ng hanggang Setyembre 12 upang isumite ang kanilang application at requirements.
Kailangan ng PBA ng limang araw para rebisahin ang ipinasang dokumento ng mga aplikante kasunod ang pagpapalabas ng preliminary list ng mga draftees na ipapamahagi sa mga member teams.
Ang mga local born applicants ay binigyan naman ng hanggang Oktubre 18 upang makapagbigay ng kanilang papeles.
Sa naturang araw ay ilalabas ng liga ang pinal na listahan ng mga eligible Fil-foreign hopefuls.
Anim na araw bago ang draft ay sasailalim ang mga rookie applicants sa traditional biometrics kung saan susukatin ang kanilang mga physical features bawat isa.
Sa Oktubre 30 ay ilalabas ng PBA Commissioner’s Office ang listahan ng 2013 Rookie Draft .
Magbubukas na ang 2013 Governors Cup sa Agosto 14 pero wala pa ring collegiate at amateur players ang nagdedeklara na sila ay lalahok sa PBA Draft.
Ngunit kabilang sa mga inaasahang pag-aagawan ay sina Greg Slaughter, Ian Sangalang, Nico Salva, Justine Chua, RR Garcia, Jeron Teng at Jett Vidal.
Si June Mar Fajardo ng Petron ang hinirang na top rookie pick sa nakarang PBA Draft kasunod sina Calvin Abueva (Alaska), Alex Mallari (Petron nga-yon ay nasa San Mig Coffee na, Cliff Hodge (Meralco) at Aldrich Ramos (Barako Bull ngayon ay nasa Alaska na.