FIBa-ASIA Men’s C’ships China nag-training din sa New Zealand

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Gilas Pilipinas vs Kazakhstan

 

MANILA, Philippines - Magmumula rin ang China sa New Zealand para sa kanilang preparasyon sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships na nakatakda sa Agosto 1-11 sa Manila.

Ang New Zealand, kasalukuyang No. 20 sa FIBA world ranking, ang huling makakatapat ng China sa kanilang mga tune-up matches matapos labanan ang Australia, Ukraine, Argentina, Puerto Rico, Germany, Nigeria, Macedonia, Montenegro at Iceland.

Nakatakdang laba-nan ng Chinese ang Tall Blacks kagabi sa Taiyuan kasunod ang Louyan bukas bago magtungo sa Manila para idepensa ang kanilang Asian crown na kanilang nakuha sa Wuhan, China noong 2011.

Bumiyahe rin ng Gilas sa New Zealand para sa isang tune-up match sa Tall Blacks, naghahanda sa kanilang continental (Oceania) eliminator para sa 2014 FIBA World Cup.

Inaasahang mangu-nguna para sa China sina Yi Jianlian, Zhou Peng at Wang Zhelin.

Ang koponan ni coach Panagiotis Giannaki ay may average height na 201.92 cms (6-foot-7 and a half), na siyang pinakama-taas sa FIBA Asia field, kasunod ang Iran (199cms). Nasa gitna ang Gilas Pilipinas (192.83cm)  sa likod nng China, Iran, Jordan (198.83), Qatar (196.75), Japan (195.75) at South Korea (194.83), ngunit mas mataas sa Kazakhstan (192.67), India (192.33), Chinese Taipei (190.92), Hong Kong (190.18), Malaysia (189), Saudi Arabia (187), at Thailand (186.17).

Mapapalaban ang 6’10 na si Marcus Douthit kina Wang Zhelin, Yi Jianlian at Li Muhao ng China.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kalaban ng Gilas Pilipinas sa isang exhibition game ang PBA Selection sa MOA.

 

Show comments