MANILA, Philippines - Handang-handa na si Filipino challenger Milan Melindo sa kanyang paghahamon kay Mexican world flyweight champion Juan Francisco Estrada.
Nagtungo na ang Team Melindo sa Macau, China kung saan magaganap ang naturang laban sa Hulyo 27 sa Cotai Arena ng Venetian Casino and Resort.
Tatangkain ni Melindo (29-0-0, 12 KOs) na maagaw kay Estrada (24-2, 18 KOs) ang mga suot nitong World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Association (WBA) flyweight titles.
Ang naturang WBO belt ay nakuha ni Estrada matapos talunin ang dating kampeong si Brian “Hawaiian Punch†Viloria sa kanilang unification fight noong Abril na idinaos sa Macau.
Lumaban si Melindo sa undercard ng Viloria-Estrada fight kung saan niya pinabagsak si Indonesian fighter Tommy Seran sa fourth round.
Hangad ni Melindo na iganti si Viloria kasabay ang pag-agaw kay Estrada ng mga bitbit nitong WBO at WBA belts.
Kumpiyansa naman si Estrada na maidedepensa niya kay Melindo ang kanyang mga korona.
“I am so motivated to make my first defense. I have done a good training and it will show in the ring. We will bring our two belts back to Mexico. I share my titles with my team and with the people of Mexico who support me,†wika ni Estrada.
Sakaling manalo si Estrada kay Melindo ay itatapat siya ng kanyang promoter kay dating world champion Hernan “Tyson†Márquez.