Douglas nakipagkasundo sa Warriors

OAKLAND, Calif. -- Pinalagda ng Golden State Warriors si free agent guard Toney Douglas.

Naglaro si Douglas para sa Houston Rockets at Sacramento Kings noong nakaraang season at nagtala ng mga averages na 7.5 points at 2.1 assists per game.

Ang 27-anyos na guard ang magbibigay sa Golden State ng lakas sa backcourt matapos umalis si Jarrett Jack, lumagda sa isang four-year, $25 million deal sa Cleveland. Si Douglas ay kinuha ng Los Angeles La-kers bilang 29th pick noong 2009.

Show comments