Miller free agent na; malamang na kunin ng Thunder

MANILA, Philippines - Nangunguna ang Oklahoma City Thunder sa pagsambot kay dating Miami Heat swingman Mike Miller matapos itong maging free agent noong Huwebes, sabi ng league sources sa Yahoo! Sports.

 Si Miller ay naging isang free agent nang walang koponang nag-bid para makuha siya sa amnesty waiver process.

Interesado rin ang Memphis Grizzlies kay Miller bukod pa sa San Antonio Spurs, Houston Rockets at Golden State Warriors.  Maaari siyang pumirma sa anumang koponan puwera lamang sa Heat.

Show comments