LeBron Tickets ibinebenta sa online ng tig-P5,000

MANILA, Philippines - Ang mga tickets na libreng ipinamigay para sa show ni  LeBron James ng  Nike ay ibinibenta ngayon sa online ng umaabot sa P5,000 bawat isa.

Ang iba sa mga tickets na ito ay nasa mga kamay ng mga scalpers o ang mga taong gustong kumita.

Maraming nagbebenta sa www.sulit.com.ph <http://www.sulit.com.ph> , ang number one buy-and-sell website sa bansa, ng ticket sa LeBron show na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

May nagbebenta sa halagang P500 para sa general admission tickets hanggang sa P5,000 para sa upperbox tickets.

May isang nagbebenta na nag-aalok ng apat na general admission tickets sa presyong P2,300 bawat isa at nakalagay ang mga contact numbers nito.

Walang batas na nagbabawal sa pagbebenta ng libreng ticket tulad ng ipinamigay ng Nike noong Miyerkules sa  Nike Park sa Bonifacio High Street.

Namigay ang Nike, ang sponsor ng unang pagbisita ni LeBron sa bansa, ng 4,000 tickets sa publiko na karamihan ay pumila ng halos dalawang araw.

“I lined up for these tickets for 48 hours,” sabi ng isang nagbibenta ng ticket na may presyong P10,000 para sa dalawang upper box tickets for P10,000.

Sa pagkalat ng balitang marami ang nagbebenta ng tickets, marami ang nadismaya.

“So... Some people who lined up for free LeBron James tickets at Nike Park BGC are selling them. That’s low,” sabi ng isa sa Twitter.

Show comments