^

PM Sports

Altas bumalik sa 2nd

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginamit ng Perpetual Help ang malakas na pag-lalaro sa ikatlong yugto para trangkuhan ang 73-66 panalo sa Arellano sa 89th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Matikas pa rin ang rookie na si Juneric Baloria sa kinamadang 21 puntos ngunit gumana rin ang  mga kamay nina Chris Elopre, Harold Arboleda at Justine Alano sa ikatlong yugto na kanilang dinomina sa 22-9 palitan.

Ang 3-pointer ni James Forrester ang nagdikit sa Chiefs sa 47-42 ngunit gumanti ng dalawang tres si Elopre habang isa ang kay Arboleda sa 15-5 palitan upang mamaga ang kalamangan sa 15, 62-47, papasok sa huling 10 minuto ng labanan.

Binuksan nina John Pinto at Levi Hernandez ang huling yugto sa pamamagitan ng magkasunod na buslo pero sina Arboleda, Baloria at Earl Thompson ay nagtulong sa 6-2 palitan para ibalik sa 15 ang kalamangan, 68-53.

Si Alano ay naghatid pa ng 15 habang 12 ang ibi-nigay ni Elopre. Si Arboleda ay may 9 puntos pero humablot siya ng 20 rebounds para sa tropa ni coach Aric del Rosario na sumalo uli sa pahingang San Beda sa 4-1 baraha.

Tumapos si  Pinto taglay ang 17 puntos, walo rito ay sa huling yugto, habang 11 ang ibinigay ni Hernandez para sa bataan ni coach Koy Banal na lumasap ng ikatlong pagkatalo sa limang laro.

Samantala, kinuha ng San Sebastian Staglets ang ikalimang sunod na panalo gamit ang 62-52 panalo sa CSB-La Salle Greenhills Greenies at makasalo pa rin sa pahingang San Beda Red Cubs sa liderato sa juniors division.

Umani ng 75-73 tagumpay ang Perpetual Help Altalettes sa Arellano Braves para sa ikatlong panalo sa limang laro habang 1-4 ang tinamo ng Braves.

ARBOLEDA

ARELLANO BRAVES

CHRIS ELOPRE

EARL THOMPSON

ELOPRE

HAROLD ARBOLEDA

JAMES FORRESTER

JOHN PINTO

JUNERIC BALORIA

JUSTINE ALANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with