Gooden ini-waive ng Bucks

MILWAUKEE -- Pinakawalan ng Milwaukee Bucks si forward Drew Gooden at inilagay siya bilang amnesty player.

Si Gooden ay may dalawang taon pa sa kanyang kontrata na nagkakahalaga ng $13.4 milyon.

Matatanggap pa rin niya ang kanyang suweldo, ngunit ito ay hindi na kasama sa salary cap ng Bucks.

Lumagda si Gooden sa Bucks noong 2010 at nagtala ang 11-year veteran ng mga averages na 11.3 points at 5.9 rebounds sa 107 games.

Show comments