^

PM Sports

JRU nakabalik sa porma

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtala ng tig-isang free throw sina Cris dela Paz at John Paolo Pontejos bago sinaksihan ng Jose Rizal University na sumablay ang St. Be­nilde sa huling dalawang opensa para sa 73-71 overtime panalo sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Pontejos bitbit ang 17 puntos habang may lima sa pitong puntos sa laro si Dela Paz sa overtime para ibigay sa Heavy Bom­bers ang ikalawang panalo sa apat na laro.

Ang kaliwang lay-up ni Mark Romero ang nagpatabla sa iskor sa hu­ling pagkakataon sa 71-all pero nakuha ni Dela Paz ang tinapik na bola ni Michael Mabulac sabay foul ni Jose Saavedra sa huling 5.9 segundo.

Ang huling free throw ang naipasok ni Dela Paz bago itinapon ni Roberto Bartolo ang inbound play nang napa-lakas ang outlet pass.

Nalagay sa 15-foot li­ne si Pontejos sa foul uli ni Saavedra pero ang ikalawang free throw uli lamang ang pumasok para sa dalawang puntos bentahe ng Heavy Bom­bers sa huling 4.6 segundo.

Sadyang walang suwerte ang tropa ni coach Gabby Velasco na bumangon mula sa 47-61 iskor sa huling pitong minuto sa regulation at tumabla sa 61-all sa nakumpletong 3-point play ni Bartolo, dahil napalakas ang pabandang tres ni Luis Sinco.

May 17 puntos pa si Philip Paniamogan para sa bataan ni coach Vergel Meneses na hindi pa rin nakakatikim ng magkasunod na pagka­talo sa season na ito.

Si Mark Romero ay nag­hatid ng 17 puntos para sa Blazers na luma­sap uli ng mapait na ikatlong kabiguan matapos ang 70-71 at 72-73 pag­yukod sa kamay ng San Beda at Emilio Aguinaldo College sa naunang dalawang laban.

Samantala, nakuha ng CSB-LSGH Greenies ang ikalawang panalo sa tatlong laro sa 74-63 panalo sa JRU Light Bombers habang umangat sa 2-2 ang Mapua Red Robins matapos ang 73-54 pagdurog sa Arellano Braves na may 1-3 baraha. (AT)

JRU (73) -- Pontejos 17, Paniamogan 17, Juanico 8, Mabulac 8, Dela Paz 7, Lasquety 6, Abanto 4, Benavi­dez 4, Salaveria 2, Ba­lagtas 0, Gorospe 0.

CSB (71) -- Romero 17, Saavedra 15, Sinco 11, Bartolo 10, Taha 7, Grey 4, Argamino 2, Garcia 2, Deles 2, Ongteco 1, Jonson 0, Carlos 0.

Quarterscores: 17-17, 35-33, 55-47, 61-61 (reg), 73-71 (OT) .

vuukle comment

ARELLANO BRAVES

BARTOLO

DELA PAZ

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GABBY VELASCO

HEAVY BOM

JOHN PAOLO PONTEJOS

PONTEJOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with