Douglas, O’Neal sa Golden State

OAKLAND, Calif. – Lalong lumalim ang bench ng Golden State   sa pagkuha kina guard Toney Douglas at center Jermaine O’Neal nitong Martes, ayon sa taong may alam sa sitwasyon.

Ayon sa source, isang taon ang kanilang kontrata.

Ito ang huling hakbang ni general manager Bob Myers para sa free agency.

Nakipagkasundo na rin ang Golden State kina Andre Iguodala, Marreese Speights, Douglas at O’Neal.

Inihayag din ng team noong Martes na pumirma na ng rookie contract ang kanilang first-round pick na si Serbian point guard Nemanja Nedovic.

Show comments