OAKLAND, Calif. – Nagkasundo na ang Golden State Warriors at si Marreese Speights, ayon sa taong may alam sa negosasyon, ngunit hindi sinabi ang detalye ng deal. Inaasahang makakatulong si Speights sa iniwang puwesto ni power forward Carl Landry na nakipagkasundo sa four-year, $26 million deal sa Sacramento Kings noong Sabado.