OAKLAND, Calif. – May makukuha rin palang kapalit ang Denver Nuggets para kay Andre Iguodala.
Pumayag ang Nuggets sa hiwalay na sign-and-trade deals para makuha nila si guard Randy Foye mula sa Utah Jazz at ibigay si Iguodala sa Golden State Warriors, ayon sa taong pamilyar sa nangyaya-ring negosasyon.
Plano ng Warriors na papirmahin si Iguodala ng four-year, $48 million deal bilang free agent noong nakaraang linggo ngunit binawi nila ito na nagbigay sa Golden State ng mas maluwag na salary cap. Magkakaroon din ang Denver ng $9 million trade exception habang magkakaroon ng pagkakataon ang Utah na palakasin ang team.
Ayon sa source, ang original na Warriors-Jazz deal ay mananatili pa rin.
Ang Warriors ay makakaluwag ng $24 million sa salary cap sa pagbibigay kina Richard Jefferson, Andris Biedrins at Brandon Rush sa Jazz kasama ang ilang draft picks. Ang lahat ng tatlong ito ay nasa huling taon ng kanilang kontrata. Makukuha lamang ng Golden State si Kevin Murphy at ang kanyang non-guaranteed $788,000 deal mula sa Utah.
Sinasabing pipirma si Foye ng three-year contract na nagkakahalaga ng $9 million. Tatanggap ang Utah ng ilang draft picks mula sa Golden State, kabilang ang kanilang 2014 at 2017 first-round picks.
Sa pagpapapirma kay Iguodala bago ibigay sa Warriors, makakakuha ang Denver ng trade exception na nagkakahalaga ng $9 million na magagamit nila ngayong taon.
Magkakaroon din ang Warriors ng flexibility na makakuha ng ibang free agents base sa kumplikadong salary cap system ng NBA.