$24M ang alok ng Cavs kay Bynum

MANILA, Philippines - Kinukumbinsi ng Cleveland Cavaliers si free-agent center Andrew Bynum na tanggapin ang two-year, $24 million-plus, incentive-based contract offer, ayon sa source ng Yahoo! Sports nitong Lunes ng gabi.

Nakipagkita ang Cavaliers kay Bynum sa Cleveland noong Lunes at naiinip na sa paghihintay sa desisyon ng two-time NBA champion kung tatatanggapin ang offer na may team option sa ikalawang taon, ayon pa sa source.

Iniwan ng 25-gulang na si Bynum ang Cleveland para magtungo sa Atlanta upang makipagkita sa mga Hawks officials kaya sinimulan na rin ng  Cleveland ang pakikipag-usap kina free agents Andrei Kirilenko at Elton Brand sa posibleng one-year deals na makakaapekto sa kakayahan ng Cavaliers na makuha si Bynum, ayon sa source.

Nais ng Cleveland ng team option sa ikalawang taon ng contract para may proteksiyon na mapanatili sa kanila si Bynum pagdating ng 2014 free agency sakaling gumaling ng husto ang kanyang na-injury na tuhod at muling ma-kabalik sa dating porma.

Show comments