^

PM Sports

Paras, Magsanoc pangungunahan ang 5th batch ng PBA Hall-of-Famers

Pang-masa

MANILA, Philippines -Pangungunahan nina two-time MVP awardee Benjie Paras, top pointguard Ronnie Magsanoc, league pioneer star Lim Eng Beng at four-time champion coach Ed Ocampo ang pang-limang grupo ng mga personalidad na iluluklok sa PBA Hall of Fame.

Sina Paras, Magsanoc, Lim and Ocampo ang pinakahuling idinagdag matapos makakuha ng kina-kailangang bilang ng boto sa ginawang pag-aaral at pagrerebisa ng isang eight-man Honors Committee na pinamumunuan nina PBA commissioner Chito Salud at board chairman Robert Non.

Ang pang-limang PBA Hall of Fame ceremony ay idaraos bago magbukas ng 2014 PBA season o magkakaroon ng isang hiwalay na event para rito.

Ang bumubuo sa Honors Committee ay sina PBA outgoing chairman Mert Mondragon, incoming chairman Ramon Segismundo at ang mga media practitioners na sina Bobby Barreiro, Ding Marcelo, Joe Antonio at Lorenzo Lomibao Jr.

Sila ang kumaliskis sa listahan ng mga kandida-tong isinumite ng Selection Committee.

Ang bawat nominado ay nangangailangan ng minimum na limang boto para makapasa sa guidelines ng Hall of Fame procedure.

Kabuuang 36 indibiduwal ang nailuklok na sa Hall of Fame sa pangunguna nina initial honorees Robert Jaworski, Ramon Fernandez, Atoy Co, Philip Cezar, Bogs Adornado, Francis Arnaiz, Baby Dalupan, Leo Prieto, Emerson Coseteng, Rudy Salud, Danny Floro at Joe Cantada.

Ang iba pa ay sina Abet Guidaben, Manny Paner, Danny Florencio, Norman Black, Ron Jacobs, Domingo Itchon, Danding Cojuangco, Dante Silverio, Tony Siddayao, Pinggoy Pengson, Bobby Parks, Allan Caidic, Samboy Lim, Hector Calma, Ricky Brown, Honeyboy Palanca, Jun Bernardino, Alvin Patrimonio, Billy Ray Bates, Freddie Hubalde, Tommy Manotoc, Tito Eduque, Mariano Yenko at Bobong Velez.

Si Paras ang naging top choice sa 2013 batch dahil sa kanyang record na kauna-unahang Rookie of the Year/MVP awardee noong 1989.

Muli siyang kinilalang MVP matapos ang 10 taon.

Si Magsanoc ang kumumpleto sa 1-2 punch nila ni Paras sa Shell na binigyan nila ng apat na PBA championships.  Isa siya sa mga napili sa unang all-pro Phl team na isinabak sa 1990 Beijing Asiad.

ABET GUIDABEN

ALLAN CAIDIC

ALVIN PATRIMONIO

ATOY CO

BABY DALUPAN

BEIJING ASIAD

BENJIE PARAS

BILLY RAY BATES

HALL OF FAME

HONORS COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with