MANILA, Philippines - Aakit pa ng atensyon ang UST habang ikalawang sunod na panalo ang balak tuhugin ng UE sa pagpapatuloy ng 76th UAAP men’s basketball ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Makikipagtuos ang Tigers sa National University sa tampok na laro na magsisimula matapos ang labanan sa pagitan ng Red Warriors at host Adam-son sa ganap na ika-2 ng hapon.
Ang Tigers ay hindi nabigyan ng importan-sya bago nagsimula ang liga at ang NU ang siyang pinangalanan bilang team-to-beat sa taon.
“Malakas ang NU. Sila ang seeded team this year at kami ay back-up lang ang dating namin. Pero mas magaling ang back up,†wika ni Jarencio na pinataob ang La Salle at Adamson sa unang dalawang laro.
Sa kabilang banda, ang bataan ni coach Eric Altamirano ay may 1-1 karta at galing sa 71-67 pagkatalo sa UE sa huling asignatura.
Hindi na magagamit pa ng Bulldogs si 6’8†center Alfred Aroga na lagpak sa residency rule kaya’t aminado si Altamirano na kailangan niyang magbago ng diskarte sa laro.
“Nasanay kami na kasama siya sa pre-season kaya kailangan namin ngayong baguhin ang aming diskarte,†wika ni Altamirano.
Sina Bobby Ray Parks Jr. (16.5 puntos, 8 rebounds, 3.5 assists, 1.5 steal at 1 blocks averages) at Emmanuel Mbe (16 puntos, 13 rebounds, 1.5 steals at 1 blocks averages) ang sasandalan ng NU pero kailangan nila ng suporta sa ibang kasamahan para matapatan ang magandang teamwork ng Tigers.
“Beterano na ang team na ito at kahit sino ang maging kalaban o mawala sa amin, kaya nilang makapag-adjust,†dagdag ni Jarencio na pamumunuan ni Jeric Teng na nagbibigay ng 19 puntos, 6 rebounds, 2 steals at 1.5 assists.
Ang ipinakitang puso ng Warriors nang talunin ang NU ang siya namang aasahan ni UE mentor David ‘Boysie’ Zamar para itulak ang Falcons sa ikalawang pagkatalo sa tatlong laro.
Si Roi Sumang na kumana ng four-point play sa huling mga segundo sa laro kontra sa Bulldogs, ang aatake uli pero dapat na maipagpatuloy ni Charles Mammie ang kanyang lakas sa ilalim matapos gumawa ng season-high na 20 rebounds sa huling asignatura.