Jarret Jack may 4-year deal sa Cavs

CLEVELAND -- Nagdagdag ng isang versatile vete-ran ang Cleveland Cavaliers sa katauhan ni Jarret Jack.

Nagkasundo ang Cavaliers at si Jack para sa isang four-year, $25 million contract, sabi ng source sa Associated Press.

Sinasabing kasama dito ang isang team option sa kanyang pang-apat na taon.

Si Jack ang ikalawang free agent na kinuha ng Cavs matapos si dating Lakers forward Earl Clark na nakipagkasundo sa isang two-year, $9 million deal kamakailan.

Hawak ng Cavs ang opsyon para sa ikalawang taon ni Clark.

 

Show comments