Petron, PCSO, Cagayan paborito sa PSL

MANILA, Philippines - Isang three-cornered fight para sa titulo ang inaa­sa­hang matutunghayan para sa Philippine Super Liga (PSL) women’s volleyball tournament na bubuksan bu­kas sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang sinasabing tatlong paboritong koponan na ma­aaring mag­laban para sa korona ay ang Petron, PCSO-Bingo Mil­yonaryo at ang Cagayan Valley.

Naniniwala ang nag-oorganisang SportsCore na balanse ang lakas ng mga koponan sa torneong idi­nisenyo para sa mga players na tapos na ang playing years sa collegiate leagues.

Ang Petron Blaze Spikers ay babanderahan nina da­ting Ateneo players Gretchen Ho at Charo Soriano katuwang sina dating national skipper at Santo Tomas ace Roxanne Pimentel.

Ang Bingo Milyonario Puffins  ay pamumunuan ni­na dating La Salle aces Maureen Penetrante, Ivy Re­mulla, Michelle Gumabao at Stephanie Mercado, anak ni dating ‘Asia’s Sprint Queen’ Lydia De Vega.

Pangungunahan ang Cagayan Valley Rising Suns nina Wendy Semana, Jeck Dionela at Royce Tubino.

Hindi rin dapat balewalain ang TMS Army La­dy Troopers ni coach Rico de Guzman sa torneong su­por­tado ng Philippine Sports Commission, San Juan Are­na, Healthway Medical, LGR outfitter, Lenovo, Vi­bram Five Fingers at Pagcor.

“We are obviously the oldest, most experienced team in this tournament. So we have to take good care of our health if we want to contend for the crown,” ani de Guzman, aasa kina Michelle at Mayeth Carolino, Ma­ry Jean Balse, Dahlia Cruz at Joanne Bunag.

Ang liga ay may basbas ng Philippine Volleyball Fe­­deration.

Bubuksan ng Army ang kanilang kampanya kontra sa Cagayan Valley sa alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng PCSO-Bingo Milyonaryo at PLDT-My DSL sa alas-4 ng hapon at ang banggaan ng Cignal at Petron sa alas-2.

Show comments