Howard kinumbinsi ng Lakers

EL SEGUNDO, Calif. — Nagpulong sina Lakers general manager Mitch Kupchak, Kobe Bryant, Steve Nash at iba pang kinatawan ng koponan ng halos dalawang oras noong Martes kasama si free agent center Dwight Howard sa hangaring panatilihin siya sa Los Angeles.

“At the meeting, we told him how important he is to the Lakers team, franchise, fans and community, and why we feel this is the best place for him to continue his career,” wika ni Kupchak sa isang statement. “We are hopeful that Dwight decides to remain a Laker.”

Si Howard ang naging pinakaaasam na free agent nang magbukas ang free agency noong Lunes.

Hindi itinago ng La-kers ang kanilang hangarin na mapanatili si Ho-ward sa Los Angeles.

Interesado rin kay Ho-ward ang Houston Rockets, Dallas Mavericks at ang Atlanta Hawks.

Sa unang season ni Howard sa Lakers, nawalis ang Los Angeles sa first-round playoff series.

At inamin niya na minsan na hindi na siya masaya sa Los Angeles.

Ngunit gusto ng La-kers na manatili ang da-ting Defensive Player of the Year at naniniwalang ang isa pang season at $30 milyon ang magbibigay sa kanila ng bentahe.

Puwedeng mag-alok ang Lakers ng isang ma-ximum na $118 milyon sa loob ng limang seasons, habang ang ibang koponan ay puwedeng maglatag ng $88 milyon sa loob ng apat na taon.

 

Show comments