PBA-My Phone partnership para sa Gilas exhibition games

MANILA, Philippines - Nagkamayan sina Philippine Basketball Association Commissioner Chito Salud (kanan) at Jaime Alcantara, MyPhone president matapos magpirmahan ng memorandum of agreement na nagbibigay ng karapatan sa MyPhone na i-promote ang mga Gilas-PBA exhibition games sa July 24 at 26. Ang mga tune-up games na ito ay bahagi ng paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa Fiba-Asia Championships na iho-host ng bansa sa Aug. 1-11. Makakalaban ng National team ang PBA Selection sa July 24 sa Mall of Asia Arena bago nila haharapin ang Kazakhstan national team sa July 26  sa Smart Araneta Coliseum. Ang dalawang laro ay parehong sisimulan sa alas-7:00 ng gabi.

Show comments