^

PM Sports

Bilang preparasyon vs Rios sa Agosto pa sisimulan ni Pacquiao ang training

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisimulan ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang pagsasanay sa Agosto bilang paghahanda kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios.

Bilang pagpapakondis-yon, naglalaro ang 34-anyos na si Pacquiao sa mga tune-up basketball games sa General Santos City.

Ayon sa Sarangani Congressman, inaasahan niyang magiging maganda ang kanilang laban ng 27-anyos na si Rios sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.

Nauna nang sinimulan ni Rios ang pagpapakondisyon sa ilalim ni Mexican trainer Robert Garcia, ang chief trainer din ni Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.

Maglalaban sina Pacquiao, dalawang beses natalo noong nakaraang taon kina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez, at Rios sa isang non-title, welterweight fight.

Isang six-city promotional tour ang inihanda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para sa bakbakan nina Pacquiao at Rios simula sa Hulyo 28.

Kasama dito ang three-city tour sa China sa mga lungsod ng Guangzhou, Shanghai at Beijing.

Matapos ang nasabing three-city Chinese tour, dadalhin ang promotional tour nina Pacquiao at Rios sa Singapore sa Oktubre.

Isang press confe-rences ang itinakda rin ng Top Rank sa New York at Los Angles sa hangaring makaakit ng mga boxing fans mula sa United States.

Mas pinili ni Pacquiao na lumaban sa Macau, China dahil sa malaking buwis na ipinapataw ng US sa laban ng mga fo-reign athletes na kagaya niya.

BAM BAM

BOB ARUM

FILIPINO FLASH

GENERAL SANTOS CITY

ISANG

JUAN MANUEL MARQUEZ

LOS ANGLES

MACAU

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with