MANILA, Philippines - Muling ipakikita ng Hagdang Bato ang angÂking husay sa paglahok sa PCSO Silver Cup ngayong haÂpon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Jonathan Hernandez ang hinete uli ng kabayo na tatakbo para sa kuwadra ni Mandaluyong City MaÂyor Benhur Abalos at makakatuwang ng coupled entry na Barkley na hahawakan ni Val Dilema.
Sa mahabang 2,000-metro inilagay ang tampok na kaÂrera na may post time na 4:30 ng hapon at itinalaga biÂlang race five.
Ang iba pang kasali ay ang Sulong Pinoy (FM RaÂquel Jr.), High Voltage (JB Cordero), Patron (JB Guce) at Chief Joesan (RR De Leon).
Itinataguyod ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang karera ay sinahugan ng P3.8 milÂyong premyo at ang papalaring kabayo ay maghahatid ng P2.5 milyon gantimpala sa may-ari nito.
Ang papangalawa ay mayroong P700,000.00 premÂyo, habang P350,000.00 at P250,000.00 ang mapupunta sa papangatlo at paÂpang-apat sa datingan.
Nagdomina ang Horse of the Year noong naÂkaÂraang taon sa PCSO FreeÂdom Cup at CommisÂsioÂner’s Cup na inilaÂgay sa 1,600-metro at 1,800-metro noong PebÂrero at Marso.
Ang inaasahang hahaÂmon sa Hagdang Bato ay ang Patron na dating hawak ni JPA Guce pero ipinagkatiwala ngayon kay JesÂsie Guce.
Palaban din ang High VolÂtage matapos manalo sa dalawa sa huling tatlong sakay sa pagdiskarte ni Jeff Zarate.
Si Cordero ang tinapik sa karerang ito at hindi maÂlayong mapalabas pa ng hinete ang husay ng High Voltage.