2013 rugby world cup SEVENs Phl Volcanoes binugbog ng Kenya

MANILA, Philippines - Yumukod ang Philippine Volcanoes sa Kenya sa kanilang laro sa 2013 Rugby World Cup 7s no­ong Biyernes sa Moscow, Russia.

Nakalasap ang Volcanoes, ang koponang may pinakamababang ranggo sa torneo, ng isang 5-45 ka­biguan sa 5th-ranked na Kenya.

Ito ang unang pagka­kataon na naglaro ang mga Pinoy sa naturang tor­neo.

“We stuck to our task there, the Philippines side made it difficult for us for the first three or four mi­nutes,” sabi ni Kenya coach Mike Friday sa official website ng torneo.

Tanging si Gaz Holgate ang nakaiskor para sa Volcanoes.

Nakatakdang labanan ng Volcanoes ang ma­bi­gat na Samoa kasunod ang Zimbabwe.

Kailangan ng koponan na pumuwesto sa ikalawa sa Pool C na may high point differential para uma­bante sa Cup stage ng 24-team tournament.

 

Show comments