MANILA, Philippines - Darating sa Pilipinas ang NBA Legend na si Sam Perkins para pangunahan ang promotion ng NBA Global Games Philippines mula Hulyo 1 hanggang 4 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Ang 6’9†na si Perkins ang magpapasimula sa ‘100 Day Countdown’ at kasama sa kanyang gagawin ay ang pag-ikot sa mga malls at pagsasagawa ng mga espesyal na programa na itinakda ng NBA at ng SM Group.
Walong NBA teams ang maglalaro sa NBA Global Games at ang Pilipinas ang tatayong punong-abala sa laro ng Indiana Pacers at Houston Rockets sa Oktubre 10 sa MOA.
Si Perkins ay naglaro sa apat na NBA teams-- Dallas Mavericsk, LA Lakers, Seattle Supersonics at Indiana Pacers at nagkaroon ng 1286 games at nagtala ng 11.9 puntos, 6 rebounds at 1.5 assists career averages.
Hindi man nanalo ng NBA title, si Perkins ay nakasama naman sa nagkampeon sa 1984 Los Angeles Olympics bukod pa sa nakabilang sa 1982 NCAA Champion North Carolina Tar Heels.
Ang pinakaproduktibong taon ni Perkins sa NBA ay noong nasa ikalawa sa tatlong taong paglalaro sa Lakers noong 1991-92 season dahil nagtala siya ng 16.5 puntos bukod pa sa 8.8 rebounds, 2.2 assists at tig-1 steals at blocks averages.