Ang Chicago Bulls ay nakikipag-negosasyon para sa contract extension kay All-Star forward Luol Deng, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Si Deng, 28-gulang ay may isang taong kontrata at $14.3 million na natitira sa Chicago.
Nag-usap na ang Bulls at ang kinatawan ni Deng na si Herb Rudoy mula pa noong masibak ang Bulls sa playoffs, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Pinag-usapan na ang mga detalye ng kontrata kamakailan at magkakaroon pa ng pag-uusap, ayon sa mga source ng Yahoo! Sports.
Hindi nakalaro si Deng ng Games 6 at 7 ng Eastern Conference first-round win kontra sa Brooklyn at sa buong conference semifinal loss kontra sa Miami matapos magkaroon ng problema sa kanyang spinal tap.
Nagrerekober na si Deng at umaasang babalik ang kanyang dating lakas nitong summer.
Kinokonsidera ni Bulls coach Tom Thibodeau si Deng na mahalagang bahagi ng kanyang roster na kanyang sinasandalan sa depensa.
Si Deng ay nag-ave-rage ng 16.5 points, 6.3 rebounds at 3.0 assists per game para sa Chicago. Siya ang first-round draft pick ng Bulls noong 2004 at lumaro na ng siyam na seasons sa prangkisa.