Trainer DR dela Cruz milyon na rin ang kinita

MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ng isang trainer ang listahan na naging milyonaryo sa kanilang hanay sa taong 2013.

Si DR Dela Cruz ang nakasama  ni Ruben Tupas na kumita na ng milyon sa horse racing nang umabot na sa P1,070,250.82 ang naibulsa nito matapos ang 64 panalo, 62 segundo, 65 tersero at 49 kuwarto puwestong pagtatapos ng mga kabayong inalagaan.

Sa buwan ng Mayo ay umani ng 17 panalo si Dela Cruz bukod pa sa 12 segundo, 17 tersero at 14 kuwarto puwesto para manatiling nakadikit kay Tupas na nasa una pa rin  sa P1,387,186.59 earnings mula sa 76 panalo,  62 segundo, 53 tersero at 41 kuwarto puwes-tong pagtatapos ng kanyang mga alagang kabayo.

Inagaw naman ni Conrado Vicente ang ikatlong puwesto kay horse owner/trainer Jecli Lapus nang magkaroon na ng P708,152.08 panalo laban sa P689,019.55 kita ng huli.

May 37 panalo si Vicente at lamang ng dalawang panalo kay Lapus bukod sa 36 segundo, 38 tersero at 30 kuwarto puwesto.

Si Lapus ay mayroong 47 segundo, 54 tersero at 44 kuwarto puwesto.

Bumaba rin si Johnny Sordan mula sa pang-apat tungo sa ikalimang puwesto bitbit ang P589,354.37 premyo sa 39-24-25-26 karta.

Nasa ikaanim si RR Yamco sa P573,113.34 (35-33-41-39), kasunod ni Rey Henson na may P558,431.61 (26-36-35-29), MM Vicente na may P548,829.19 (37-26-31-35), Danny Sordan na may P469,124.11 (26-29-34-11) at AC Sordan Jr. na may P459,118.21 (28-22-34-29).

Show comments