Turnilyo sa paa ni Lopez pinalitan

EAST RUTHERFORD, N.J.  – Pinalitan ni Nets center Brook Lopez ang turnilyo sa kanyang kaliwang paa at inaasahang makakabalik na sa kanyang basketball activities sa August.

Iginiit ni general manager Billy King na hindi siya nag-aalala bagama’t may panibagong problema sa paa ni Lopez na nagsabing wala naman siyang nararamdaman at pinag-iingat lamang ng mga doctor.

“For me, I don’t have any concern over it, because it wasn’t something that he had pain with. It wasn’t like it was preventing him from playing,’’ sabi ni King matapos panoorin ang ilang draft prospects na nag-work-out sa training facility.

Sinabi ni King na nakita sa X-ray ni Lopez noong postseason physical exam na nakatabingi ang turnilyo.

Samantala, sinabi ni  King na inaasahang ihahayag ng Nets ang coaching staff ng kareretiro lamang na si  Jason Kidd anumang araw.

Show comments