MANILA, Philippines - Walang iba kundi si Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang magbibigay ng suporta sa kababayang si Milan Melindo sa kanyang world title fight kontra kay WBO/WBA flyweight champion Juan Estrada sa July 27 sa CotaiArena sa Venetian Resort Hotel sa Macau.
Ito ang unang laban ng Mandaue-based na si Melindo para sa world championship.
Ang undefeated fighter (28-0, 11 KOs) ang kasalukuyang may hawak ng WBO international flyweight crown at may tsansang maging twin champions kontra kay Estrada (23-2, 17 KOs).
Nagkaroon ng tsansa si Melindo, ang No. 1-ranked contender para sa titulo ni Estrada, para sa labang ito matapos igupo si Tommy Seran noong April sa parehong venue.
Ngayon, may tsansa si Melindo na maging ikaapat na Pinoy na active world champion sa harap ni Pacquiao na dating flyweight champion din.
Ang laban ni Melindo sa Macau ay tinaguriang ‘Fists of Gold II.â€
Tampok din ang laban ni two-time Olympic gold me-dalist Zhou Shiming, na kamakailan ay naging pro, kontra kay Rex Tso ng Hong Kong.
Kung mananalo, makakahanay ni Melindo sa listahan ng mga active Filipino world titlist sina Donnie Nietes (WBO light flyweight), Johnriel Casimero (IBF light flyweight) at Merlito Sabillo (WBO minimumweight).
Samantala, dalawa pang Pinoy ang lalaban na sina undefeated prospect Genesis Servania (21-0, 8 KOs) kontra kay Konosuke Tomiyama (23-5-1, 8 KOs) ng Japan sa eight-round super bantamweight bout at Dave Penalosa (6-0, 4 KOs) kontra kay Ngaotawan Sithsaithong (10-10-1, 5 KOs) ng Thailand sa four-round super bantamweight match.