MANILA, Philippines - Sa Agosto pa sisimulan ng Top Rank Promotions ang pagpapaingay para sa non-title welterweight fight nina Manny Pacquiao at Brandon ‘Bam Bam’ Rios na nakatakda sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
Sa panayam ng 8countnews kahapon, sinabi ni Bob Arum ng Top Rank na tatapusin muna niya ang laban ni Chinese superstar Zou Shiming at Jesus Ortega sa Hulyo 27 sa Macau bago simulan ang promotion ng Pacquiao-Rios bout.
“We are concentrating on the tour in China and the stops in the United States,†wika ni Arum. “On July 28th right after the Macao fight, we’ll start that up.â€
Ito ang magiging unang laban ng 34-anyos na si Pacquiao ngayong taon matapos matalo ng dalawang beses noong 2012.
Ito ay mula kina Ti-mothy Bradley, Jr. mula sa isang kontrobersyal na split decision para sa World Boxing Organization welterweight title ng Sarangani Congressman noong Hunyo 9 at kay Juan Manuel Marquez via sixth round KO sa kanilang pang-apat na paghaharap noong Dis-yembre 8.
Sinimulan naman ni Rios ang kanyang tunay na pag-eensayo bilang paghahanda kay Pacquiao.
“I’ve been in the gym already. Monday was my first day in the gym,†wika ng 27-anyos na si Rios sa panayam ng Hustle Boss. “I’m getting my rhythm back, that’s it. But with three months out, we’re going to fully go at it.â€
Si Robert Garcia, gumagabay kay Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr., ang chief trainer ni Rios na nagmula sa isang unanimous decision loss sa kanilang rematch ni Mike Alvarado noong Marso 30.