Bumandera ang Royal Jewels

MANILA, Philippines - Napakinabangan ng Ro­yal Jewels ang magandang puwestong tangan sa ka­agahan ng karera para ma­kapanggulat sa idinaos na pista noong Biyernes sa Santa Ana Park sa Na­ic, Cavite.

Si Dominador Borbe Jr. ang hinete ng kabayo sa ikalawang dikit na takbo at agad na ipinuwesto ang kabayo sa balya.

Nakatulong ito upang pag­pasok sa rekta ay ma­kauna ang Royal Jewels  sa naunang bumabande­rang Mr. Integrity bago nag­tuluy-tuloy ang pag­layo para sa mahigit na tat­long dipang agwat sa me­ta.

Ang karerang pinagla­ba­nan ay sa class division 6 sa 1,200-metro distans­ya at ang Royal Jewels ay umakyat mula class di­vision 5 matapos pu­ma­ngalawa noong Hun­yo 1 sa pagdadala rin ni Bor­be.

Longshot of the day ang Royal Jewels para ma­kapagpasok ng P53.00 dibidendo sa win, habang ang 1-7 forecast ay nagpa­mahagi ng P206.50.

Pinangatawanan naman ng mga kabayong Bon­­di Junction at Yakal ang pagiging outstanding fa­vorite.

Halagang P5.00 ang ibi­nigay sa win ng Bondi Junction, habang ang pu­mangalawa ay ang Field Run­ner para sa P17.50 di­bidendo sa 4-6 forecast.

Si Jessie Guce ang hinete ng Yakal para manalo laban sa Henry Hill.

Show comments