Bumandera ang Royal Jewels
MANILA, Philippines - Napakinabangan ng RoÂyal Jewels ang magandang puwestong tangan sa kaÂagahan ng karera para maÂkapanggulat sa idinaos na pista noong Biyernes sa Santa Ana Park sa NaÂic, Cavite.
Si Dominador Borbe Jr. ang hinete ng kabayo sa ikalawang dikit na takbo at agad na ipinuwesto ang kabayo sa balya.
Nakatulong ito upang pagÂpasok sa rekta ay maÂkauna ang Royal Jewels sa naunang bumabandeÂrang Mr. Integrity bago nagÂtuluy-tuloy ang pagÂlayo para sa mahigit na tatÂlong dipang agwat sa meÂta.
Ang karerang pinaglaÂbaÂnan ay sa class division 6 sa 1,200-metro distansÂya at ang Royal Jewels ay umakyat mula class diÂvision 5 matapos puÂmaÂngalawa noong HunÂyo 1 sa pagdadala rin ni BorÂbe.
Longshot of the day ang Royal Jewels para maÂkapagpasok ng P53.00 dibidendo sa win, habang ang 1-7 forecast ay nagpaÂmahagi ng P206.50.
Pinangatawanan naman ng mga kabayong BonÂÂdi Junction at Yakal ang pagiging outstanding faÂvorite.
Halagang P5.00 ang ibiÂnigay sa win ng Bondi Junction, habang ang puÂmangalawa ay ang Field RunÂner para sa P17.50 diÂbidendo sa 4-6 forecast.
Si Jessie Guce ang hinete ng Yakal para manalo laban sa Henry Hill.
- Latest