GUIYANG, China – Isang gold, dalawang silver at isang bronze medals ang inangkin ng PLDT-ABAP national boxing team mula sa kanilang kamÂpanya sa katatapos na ChiÂna Open sa Guizhou gym.
Ang gintong medalya ay nagmula kay five-foot-three Nesthy Petecio maÂtapos umiskor ng isang unaÂnimous decision win laban sa 5’11 na si New ZeaÂland fighter Alexis PriÂtchard sa finals ng woÂmen’s light weight division.
Natalo naman si Josie Gabuco kay Chinese boÂxer Xu Shiqi para sa pilak na medalya ng 26-anyos na tubong Palawan.
Bago matalo kay Xu ay sinibak muna ni GaÂbuco si 2012 London OlymÂpics silver medalist at three-time world champion na si Ren Cancan.
Ang isa pang pilak ay nanggaling kay Junel CanÂtancio na natalo kay ViaÂcheslav Supinov ng RusÂÂsia.
Nauna nang inangkin ni 2012 London Olympian Mark Anthony Barriga ang tanso nang mabiÂgo sa kanyang semifinals match.
Pinuri ni ABAP president Ricky VarÂgas ang naturang mga bokÂsingero.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina RolÂdan Boncales (flyweight), Nico Magliquian (banÂtamweight) at Dennis Galvan (light welterweight).
Ang mga tumayong coaÂches ay sina Pat Gaspi, RoÂel Velasco at Elias Recaido Jr.
Sa kabuuan ng torneo ay humakot ang China ng pitong gold medals kaÂsuÂnod ang Kazakhstan (2) at Russia (2).