Si Casey pa rin ang coach ng Raptors

TORONTO – Mananatili si Dwane Casey bilang Toronto Raptors head coach, ayon sa bagong general manager na si Masai Ujiri.

May mga nagtatanong ukol sa future ni Casey sa Toronto matapos kunin si Ujiri nang balasahin ng koponan ang  front-office.

Si Casey ay nasa final year ng kanyang contract extension na pinirmahan matapos ang 2011-12 season.

“I’m excited about moving forward and growing this team with Coach Casey,’’ sabi ni Ujiri sa release.

Ang Raptors ay 34-48 ngayong season at nag-miss ng playoffs sa ikalimang sunod na taon.

Ang pagbalasa sa front office ng Raptors ay isinagawa sa pagpasok ni Maple Leafs Sports and Entertainment CEO Tim Leiweke. Tinanggal ang matagal nang general manager na si Bryan Colangelo noong May 21 na pinalitan ni Ujiri makalipas ang 10 araw.

 

Show comments