MANILA, Philippines - Hindi naitatago ng beteranong coach ng Perpetual Help Aric del Rosario ang matuwa kapag may pumupuna sa kanyang Altas.
“Marami sa mga kakilala ko ang nagsasabi na mala-kas ang team ko. Masarap itong pakinggan,†wika ni Del Rosario na nasa ikalawang taon sa paghawak sa koponan.
Makulay ang unang taon ni Del Rosario sa koponan dahil tinapos niya ang pitong taon na hindi tumatapak ang Altas sa Final Four nang talunin ang Jose Rizal University sa isang playoff para sa ikaapat at huling upuan sa semifinals.
Hindi naman pinalad na umabante sa Finals ang Altas sa Season 88, taas-noo naman nilang nilisan ang playing court matapos magtala ng winning record sa elimination round na 10-8 karta. Tampok na panalo ay ang 88-87 tagumpay sa overtime sa San Beda sa first round.
Wala na sa Season 89 ang mga kamador na sina Jett Vidal at Jorge Allen pero babalik pa rin sa koponan si Earl Scottie Thompson na ginawaran ng Most Improved Player at kasama sa Mythical Five noong nakaraang taon.
Nasa koponan pa rin ang mga Nigerian players na sina Nicolas Omorogbe at Femi Babayemi habang ang iba pang locals na magbabalik ay sina Harold Arboleda, na ginawang team captain, Chris Elopre, Joel Jolangcob, Anthony Paulino at Mark Bitoy.
Ang mga baguhang isinama sa line-up ay sina 6’4†Nestor Bantayan Jr., 6’4†Kervin Lucente, 6’4†Kevin Oliveria, 6’1†John Ylagan, 6’0†Gerald Dizon at 5’10†Juneric Baloria.
“Natsa-challenge talaga ako kapag naririnig ko ang mga sinasabi nila sa team ko kasi alam kong hindi kami ganun kalakas. Sa akin, ang San Beda at Arellano ang angat sa mga teams pero natatakot din ako sa Mapua dahil hindi ko sila nakita at hindi ko alam kung ano ang ginagawa nilang paghahanda,†ani Del Rosario.