MANILA, Philippines - Bubuksan ni ABL champion coach Leo Austria ang pintuan ng San Miguel Beer sa iba pang mahuhusay na manlalaro na nais na tumulong sa gagawing kampanya ng koponan sa pagdepensa sa titulo sa ikalimang taon ng regional basketball league.
Sa pagdalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate, sinabi niyang masaya siya kung mapapanatili ng management ang manlalarong nagtulung-tulong para makapagdomina sa nagdaang season pero hindi naman ito mangangahulugan na hindi na niya titingnan ang kalidad ng ibang manlalaro dahil sa paniniwalang mas lalakas ang mga makakatunggaling koponan sa papasok na ABL season.
“Every team in the ABL will try to form a strong team since they all wanted to dethrone us. Marami pang talented local at Fil-Am players na puwedeng isama sa team. Ang tinitiyak ko lamang ay mas magiging malakas ang team na bubuuin ko sa planong maidepensa ang titulo,†wika ni Austria na sinamahan din ng mga imports na sina Justin at Brian Williams, Asi Taulava at Chris Banchero.
Winalis ng Beermen ang dating kampeon na Indonesia Warriors sa best-of-five ABL finals upang tapusin ang produktibong taon na kinatampukan ng league record 16-game winning streak.
“It feels great for me since I started playing in the PBA and later won a title in the other league, the ABL. I just tried to fit in whatever way I can to help the team,†wika ni Justin Williams, na dating import ng Globalport at lumabas bilang number one defensive player ng Beermen.
Ang apat na manlalaro ay nagsabi rin ng kahandaan na bumalik para tulungan ang koponan na ma-ging kauna-unahang back-to-back champion ng ABL.
Isang pagpupulong ang magaganap sa koponan at top management ng Beermen upang malaman ang plano sa koponan.
Samantala, kinumpirma rin ni Banchero ang napi-pintong paglalaro sa PBA D-League para makasali sa PBA sa susunod na taon. “I’m going to join the PBA D-League. But after that I will rejoin San Miguel and try to defend the title,†wika ni Bachero.
Sa panig ni Taulava, pahinga muna ang gusto niyang gawin kasama ang kanyang pamilya.