MANILA, Philippines - Nagdesisyon si Denver Nuggets forward Andre Iguodala na kumalas sa huling taon ng kanyang kontrata at pumasok na lamang sa free agency, ayon sa napag-alaman ng Yahoo! Sports.
Nag-average si Andre Iguodala ng 13 points, 5.3 rebounds at 5.4 assists ngayong season.
Inaasahang isa ang 29-gulang na si Iguodala sa pag-aagawan sa summer free agency. Nagsabi na ang kanyang agent na si Rob Pelinka kay Denver CEO Josh Kroenke sa planong pakikipag-meeting nitong Huwebes sa Los Angeles.
“We are fully aware of Andre’s intentions and he’s well aware of how much we want him back,†sabi ni Kroenke sa Yahoo! Sports noong Biyernes. “Andre is a huge priority for our organization.â€
Binalewala ni Iguodala ang kikitaing $15.9 million sa susunod na season at maaari siyang makakuha ng bagong four-year deal sa ibang koponan o pumirma ng bagong extension contract hanggang 5-years sa Nuggets.
Hanggang June 25 puwedeng i-terminate ni Igoudala ang clause sa kanyang contract.
Tulad nina superstars Dwight Howard at Chris Paul, magiging target si Iguodala ng ilang teams tulad ng Atlanta Hawks, Cleveland Cavaliers, Dallas Mavericks, Houston Rockets, Detroit Pistons at New Orleans Pelicans, ayon sa sources.