Dapudong asam ang titulo; Maraon nabigo kay Payano
MANILA, Philippines - Pipilitin ni super flyweight contender Edrin ‘The Sting’ Dapudong na maagaw kay Gideon BuÂthelezi ng South Africa ang suot nitong InternatioÂnal Boxing Organization title ngayon sa Emperors Palace sa Johannesburg.
Tinalo ni Buthelezi si DaÂpudong para sa IBO title noong Nobyembre 10, 2012 sa nasabi ring venue.
Itinakda ng IBO ang naÂsabing rematch matapos mailusot ni ButheleÂzi ang isang split decision win kontra kay DaÂpudong.
Naipanalo ng South AfÂrican ang naturang laban sa kabila ng pagpapaÂtumba sa kanya ni DapuÂdong sa ninth round.
Kasalukuyang tangan ni Dapudong ang 28-5-0 win-loss-draw ring record kasama ang 16 KO, haÂbang taglay ni Buthelezi ang kanyang 13-3-0 (4 KO’s) slate.
Samantala, nabigo naman si Filipino bantamweight Jundy Maraon na makalapit sa pinapangarap niyang title bid.
Ito ay matapos siyang mapabagsak ni two-time Olympian na si Juan Carlos Payano ng Dominican Republic sa seventh round ng kanilang WBA title eliÂminator sa New Jersey.
- Latest