Gilas Pilipinas binawian ang LSU-Baltai
MANILA, Philippines - Binawian ng Gilas PiÂliÂpinas ang LSU-Baltai sa pamamagitan ng 90-88 sa kanilang two-week training camp sa Lithuania.
Umiskor si naturaÂlized player Marcus Douthit ng 22 points, habang nagdagÂdag ng tig-10 marÂkers siÂna Jimmy Alapag, Jayson Castro at Gary David.
Nakatakda pang labaÂnan ng Gilas ang BisÂtrono Jazz-Diremta kagabi.
“Barely beat d young LSU team playing w/out imports, 90-88. They fiÂnished 2nd to last in Lith 1st Div,†wika ni Gilas coach Chot Reyes sa kanyang Twitter account.
Nauna nang tinalo ng LSU-Baltai ang Gilas Pilinas, 89-86, sa kanilang unang pagtatagpo noong naÂkaraang Lunes.
“Got LSU back, but wow on their tall, quick release shooters. They were shooting over our outstretched arms. Tough game. Luckily, we converted on the crucial plays in the end game,†wika naman ni assistant coach Josh Reyes sa kanyang Twitter page.
Muling pinaulanan ng Lithuanians ang Gilas ng mga three-point shots sa kanilang rematch.
Ngunit nanatiling maÂtikas ang mga Filipino sa kanilang opensa sa likod nina Larry Fonacier at Japeth Aguilar.
Nagtala ang LithuaÂnians ng 12-of-32 shooÂting sa three-point range.
Apat na tres ang isinalpak ni Sarunas Vingelis, habang may tatlo si Vidmantas Sragauskis at tig-dalawa sina Arunas Sakalauskas at Arunas Vasiliauskas para sa home team.
Inaasahang uuwi sa Pilipinas ang Gilas traiÂning pool sa Martes, liÂmang linggo bago sumabak sa 27th FIBA-Asia Championships na nakaÂtakda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay CiÂty at sa Ninoy Aquino StaÂdium.
Sa Turkey, tinalo naman ng koponan ng Turkey ang 2007 at 2009 FIBA-Asia champion na Iran, 63-71, sa kanilang friendly game.
- Latest