Garcia hinubaran ng WBO crown

DALLAS -- Hindi pa man napapakawalan ang kan­yang unang suntok ay nawala na kay Mikey Garcia ang suot niyang World Boxing Organization fea­ther­weight title kontra kay Juan Manuel Lopez sa Ame­ri­can Airlines Arena.

Binawi ng WBO ang korona ni Garcia dahil su­mob­ra siya ng dalawang libra sa sa weight limit.

Sinabi ni Garcia na gumising siya na may timbang na 128 1/2 pounds bago ang kanilang weigh-in ni LOpez at matapos ang isang workout ng halos isang oras ay gumaang siya ng 127 1/2.

“I really thought I would be able to make it and I haven’t had an issue in the past,” wika ni Garcia sa Ya­hoo! Sports. “My body kind of shutdown. I couldn’t even sweat. My fingers were stiff and numb and I have no water left in me.”

Tumimbang naman si Lopez ng 125 1/4 pounds.

Kung mananalo o makapuwersa ng draw si Gar­cia, ang WBO title ay mababakante at sakaling si Lo­pez naman ang manalo ay mapapasakamay niyang muli ang naturang titulo.

 

Show comments