Garcia hinubaran ng WBO crown
DALLAS -- Hindi pa man napapakawalan ang kanÂyang unang suntok ay nawala na kay Mikey Garcia ang suot niyang World Boxing Organization feaÂtherÂweight title kontra kay Juan Manuel Lopez sa AmeÂriÂcan Airlines Arena.
Binawi ng WBO ang korona ni Garcia dahil suÂmobÂra siya ng dalawang libra sa sa weight limit.
Sinabi ni Garcia na gumising siya na may timbang na 128 1/2 pounds bago ang kanilang weigh-in ni LOpez at matapos ang isang workout ng halos isang oras ay gumaang siya ng 127 1/2.
“I really thought I would be able to make it and I haven’t had an issue in the past,†wika ni Garcia sa YaÂhoo! Sports. “My body kind of shutdown. I couldn’t even sweat. My fingers were stiff and numb and I have no water left in me.â€
Tumimbang naman si Lopez ng 125 1/4 pounds.
Kung mananalo o makapuwersa ng draw si GarÂcia, ang WBO title ay mababakante at sakaling si LoÂpez naman ang manalo ay mapapasakamay niyang muli ang naturang titulo.
- Latest