Donaire muling lalabanan si Darchinyan ngayong 2013

MANILA, Philippines - Posibleng matuloy na ang rematch nina da­ting unified world super ban­tamweight champion No­nito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Vic Dar­chinyan ngayong taon.

Maaaring maplantsa ang banggaan nina Do­naire at Darchinyan sa Ok­tubre o Nobyembre.

Nakatakdang kausapin ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions ang 30-anyos na si Donaire para sa kan­yang ikalawang laban nga­yong taon.

Natalo si Donaire kay Cuban unified super bantamweight titlist Guil­lermo Rigondeaux via unanimous decision no­ong Abril 13.

Bago naman mata­lo kay Rigondeaux, ang two-time Olympic Games gold medalist ng Cuba, ay apat na sunod na panalo ang ipinoste ni Donaire no­ong 2012.

Ang mga ito ay sina Wil­­fredo Vasquez, Jr. Jeffrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce.

Ang pagkatalo kay Ri­gondeaux ang kauna-una­han ni Donaire matapos ang 12 taon.

“I think that in the next week or so, we’ll be ha­ving more serious talks with his management and with HBO,” sabi ni Arum sa panayam ng BoxingScene.com.

Hindi pa masabi ni Arum kung maitatakda ni­­ya ang muling paghaha­rap nina Donaire at Dar­chinyan.

“We’ll figure out when he’s coming back and who he’s gonna be against,” dagdag pa ng 81-anyos na si Arum sa tu­bong Talibon, Bohol na si Donaire.

Tinalo ni Donaire si Darchinyan via fifth-round KO noong Hulyo ng 2007 para agawin sa Ar­menian fighter ang mga suot nitong Internatio­nal Boxing Federation at International Boxing Or­­ganization flyweight titles sa Connecticut, USA.

Show comments