^

PM Sports

Kidd interesadong mag-coach sa Nets?

Pang-masa

MIAMI – Interesado si Jason Kidd na mag-coach sa Brooklyn Nets at plano nitong kausapin ang team ngayong linggo, ayon sa isang source.

Inihatid ni Kidd ang Nets sa magkasunod na NBA Finals noong 2002-03 bilang player at interesado siyang palitan si P.J. Carlesimo, ayon sa source.

Ang kagustuhan ng point guard, kareretiro lamang, na mag-coach ng Nets ay unang ibinalita ng Yahoo Sports.

Tinapos ng 40-gulang na si  Kidd ang kanyang career noong nakaraang linggo matapos ang isang season sa Knicks na kanyang ika-19 sa NBA.

Siya ay pangalawa sa  career list sa assists at steals at ang franchise leader ng Nets sa  playoff statistical categories.

Si Kidd,  two-time Olympic gold medalist, ay dati pang kinokonsiderang isa sa matatalinong player ng NBA at sinabi ni Spurs coach Gregg Popovich na kaya niyang mag-coach.

BROOKLYN NETS

CARLESIMO

GREGG POPOVICH

INIHATID

INTERESADO

JASON KIDD

KIDD

SI KIDD

SIYA

YAHOO SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with