Sauler bagong coach ng La Salle

MANILA, Philippines - Isama na ang De La Salle sa magpaparada ng ba­gong head coach para sa UAAP Season 76.

Inihayag kahapon ni La Salle president Br. Ric­ky Laguda sa kanilang ko­munidad ang paghirang kay Marco Januz ‘Juno’ Sauler bilang kahalili ng da­ting head coach na si Gee Abanilla.

Si Sauler ay ang assis­tant ni Abanilla at isa ring deputy coach ni Alfrancis Chua sa Barangay Gineb­ra na sumegunda sa PBA Commissioner’s Cup.

Si Abanilla ay naupo sa puwesto noong nakaraang taon.

Naibalik din niya ang Green Archers sa Final Four matapos mawala no­ong Season 74 nang ang­kinin ang 9-5 karta sa elimination round at tinalo ang FEU sa playoff para sa puwesto sa semis.

Pero hindi naging ma­ganda ang ipinakita ng La Salle sa Fil-Oil Pre-Season Cup nang matalo sa Ateneo sa pagtatapos ng elims bago nasundan ng pagyukod sa San Beda sa knockout quarterfinals.

Nilinaw naman ni La Salle Board Member Hen­ry Atayde na ang de­sisyon na magpalit ay hin­di dahil sa naipakita ng koponan sa pre-season kun­di dahil pinapabalik na si Abanilla ng Petron Blaze na kung saan siya ay isang assistant coach.

“Petron is recalling him due to re-organization that is happening,” wika ni Atayde kay Abanilla.

Bagama’t magiging coach ng men’s team sa unang pagkakataon, si Sauler na da­ting player at naupo bilang deputy ni Franz Pumaren noong 1998, ay isang three-time champion coach sa wo­men’s division para sa La­dy Ar­chers.

 

Show comments