LARO NGAYON
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
3 p.m. San Miguel Beer vs Indonesia Warriors
MANILA, Philippines - Uusad pa ang San MiÂguel Beer sa planong baÂwian ang Indonesia WarÂriors sa pag-asinta muli ng panalo sa Game Two sa ASEAN Basketball League Finals ngayong haÂpon sa Ynares Sports AreÂna sa Pasig City.
Mataas ang morale ng tropa ni coach Leo Austria na haharap sa Warriors sa alas-3 ng hapon na labanan matapos kunin ang 75-70 panalo sa Game One sa kanilang best-of-five championship series noÂong Biyernes ng gabi sa nasabing venue.
“Pinagtuunan namin ang depensa dahil ito naÂman ang talagang naÂkaÂtulong sa amin para maÂkarating ng Finals. Ito pa rin ang dapat naming gaÂwin,†wika ni Austria.
Si Asi Taulava ang naÂnguna sa Beermen sa kanÂyang 24 puntos at 10 reÂbounds pero gumana rin ang mga inaasahang kaÂmaÂdor na sina Chris Banchero, Val Acuña at Leo AveÂnido na nagtala ng 15, 13 at 12 puntos, ayon sa pagÂkakasunod.
Nakatulong din si AcuÂÂña sa kinuhang 24-8 paÂÂlitan sa bench points ng BeerÂmen at Warriors.
“You can’t take anything away from the Warriors because they are the deÂfending champions. They will come back in the next game,†babala ni Taulava.
Dahil dito, nananalig si Austria na mananatiÂling naÂkatuon ang kanyang mga manlalaro sa naÂkaumang na panalo paÂra magkaroon ng sapat na puhunan bago lumipat ang serye sa Jakarta para sa Games Three at Four.
Hindi naman natitinag si Warriors coach Todd Purves sa pagkatalo dahil naniniwala siyang kayang bumangon ang kanyang mga bataan.
“We treat games seÂperately and we will try our best to win this game,†wika ni Purves na noÂong nakaraang taon ay buÂmangon mula sa 0-1 deficit at ipinanalo ang suÂnod na dalawang laro paÂra kunin ang titulo sa BeerÂmen.
Si Steve Thomas na mayÂroong 20 puntos at 17 boards at Chris Daniels na naghatid ng 14 puntos, 7 rebounds, 4 assists at 4 steals, ang muling kakaÂmada para sa bisitang koponan.
Ngunit dapat na mas maging maganda ang ipakikitang laro ng kaÂniÂlang guards para manalo.
May 15 at 13 puntos siÂna Stanley Pringle at MaÂrio Wuysang pero tatlong assists lamang ang kaÂnilang pinagsaluhan.
Ang dalawa pang maÂtitinik na guards na siÂna Jerick Cañada at JR Smith ay malamig matapos magtambal sa 2-of-15 shooting, kasama ang 0-of-6 sa 3-point line.