Coach Hollins, ayaw na sa Memphis?

MANILA, Philippines - Matapos mabitin ang usapan tungkol sa contract extension nitong weekend  dahil sa sinasabing ‘major philosophical differences,’ posibleng tapos na si Lionel Hollins sa pagiging coach ng Memphis Grizzlies, ayon sa mga source ng Yahoo! Sports.

Binigyan na ng Grizzlies si Hollins ng permisong makipag-usap sa ibang teams noong Linggo na nagbibigay daan sa kanya na makipagnegosasyon sa Los Angeles Clippers.

Sa ngayon ay hindi nagpaparamdam ang Brooklyn Nets  na nais nilang makausap si Hollins para sa kanilang coaching vacancy. Si Indiana Pacers assistant Brian Shaw pa rin ang nangunguna sa listahan ng Nets.

Matapos ang ilang araw na negosasyon, hindi magkasundo ang panig ni Hollins at ng Memphis sa ipapatupad na sistema ng koponan sa ilalim ng bagong management.

Show comments