MANILA, Philippines - Dalawang kabayo na hinÂdi pinalad na manalo sa iniÂlargang 1st leg ng PhilÂracom Triple Crown at Hopeful Stakes races ang kuminang noong Biyernes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ang Hot And Spicy na sinakyan pa rin ni Jeff Zarate ay nakitaan ng baÂngis nang dominahin ang 3YO Handicap 5 race sa 1,600-metro distansya.
Sa pagbukas lamang ng aparato at nakalaÂmang na ang Balbonic sa Hot And Spicy.
Pero hindi pa umaÂabot sa unang kurbada ay lider na ang nasabing kabayo.
Mula rito ay hindi na nanlamig pa ang Hot And Spicy para manalo ng halos tatlong dipa sa Five Star.
Bitbit ang pinakamabiÂgat na peso na 57-kilos, ang panalo ng Hot And Spicy ay magandang senÂyales sa plaÂnong higitan ang paÂngaÂÂlawang puwestong pagÂÂtatapos.
Ito ay nangyari sa 1st leg ng Triple Crown noÂong Mayo 18 sa Metro Turf Club sa Malvar, BaÂtangas.
Kondisyon rin ang kaÂbayong Big Leb nang paÂngatawanan ang pagiging outstanding favorite sa unang karerang pinaglaÂbaÂÂnan.
Hindi bumigay ang kaÂÂÂbayong iginiya ni Jessie Guce sa panglulutsa ng mga naunang nakasaÂbayan at kinakitaan pa ng lakas sa pagtakbo sa rekÂta para dominahin ang walong kabayong karera na naglaban sa 3-YO NHG Handicap 4 race.
Sa isang milyang distansya rin isinagawa ang kaÂrera at iniwan ng patok na kabayo ang rumemaÂteng Santino's Best ng haÂlos dalawang milya sa meÂta.
Ang Big Leb ang naÂnalo sa unang yugto ng 2013 Philracom Hopeful Stakes Race at ang ipiÂnakita ay maÂaaring magÂtulak para ipaÂsok ang kabayo sa 2nd leg ng PhilÂracom Triple Crown sa Hunyo 15.