Andersen pinatawan ng suspensyon

MIAMI -- Isang one-game suspension ang ipinataw ng NBA kay Miami Heat forward Chris Andersen dahil sa dalawang beses na pagtulak kay Indiana Pa­cers forward Tyler Hansbrough sa Game 5 ng ka­nilang serye.

Matapos rebyuhin ang naturang laro, itinaas sa Fla­grant-2 ang naunang Flagrant-1 foul ni Andersen, ayon kay NBA executive vice president of basketball ope­rations Stu Jackson.

Tumumba patalikod si Hansbrough sa sahig matapos itulak ni Anderson sa 9:02 sa second quarter sa 90-79 panalo ng Heat kontra sa Pacers sa Game 5 ng ka­nilang Eastern Conference finals sa Miami.

Hindi maglalaro si Andersen sa Game 6 sa India­na­polis.

Noong Biyernes ay sinabi ni NBA Commissioner Da­vid Stern sa NBC Sports Radio na dapat ay kaagad na pinatalsik sa laro si Andersen.

“I do think he should have been ejected. I looked at the replays and, it seems to me, there was no imme­diate push or shove of him. He just hauled off and knocked down Tyler Hansbrough. I don’t know what he was doing. And then he pushed him. And then he did not go gracefully to the bench,” ani Stern.

Show comments