MANILA, Philippines - Hindi napigilan sa paÂmamayagpag ang mga naÂtional athletes sa swimming at lawn tennis.
Kumuha si Olympic Games campaigner Jessie Khing Lacuna ng dalawang gintong medalya sa men’s 200-meter freestyle at sa 400-m individual medley mula sa kanyang mga oras na 56.64 segundo at 4:40.25, ayon sa pagkakasunod, sa Day 2 sa RMSC Swimming Pool.
Sa Day 1 ay tatlong gold medals ang nilaÂngoy ng tubong Pulilan, BuÂÂlacan mula sa 400m freeÂÂstyle (4:7.86), 100m freeÂstyle (53.15) at 200m backÂstroke (2:18.59).
Lalahok pa siya ngaÂyong araw sa 100m butterfly, 200m IM, 50m freeÂstyle at sa 100m breastÂstroke events.
Pumitas ang 19-anyos na si Lacuna ng anim na gintong medalya sa 2011 National Games sa BaÂcolod City at lima sa DuÂmaguete City noong naÂkaÂraang taon.
Tumaas naman sa apat ang gintong inangkin ng 19-anyos na si Hanna DaÂto ng Las Piñas City matapos manguna sa women’s 200m freestyle (2:09.28) at sa 400m IM (5:06.92).
Nauna nang kinuha ni Dato ang mga ginto sa 100m at sa 400m freestyle.
Sa lawn tennis sa RMÂSC Tennis Center, tig-daÂlaÂwang gintong medalya ang ibinulsa nina Fil-ItaÂlian Mark AntÂhony Reyes at Marian CaÂpadocia.
Pinayukod ni Reyes si Elbert Anasta, 7-5, 6-1, sa men’s singles at nakipagÂtambal kay PJ Tierro para iguÂpo sina AJ Lim at RoÂel Licayan, 6-2, 6-3, sa men’s doubles finals.
Matapos namang kuÂnin ang ginto sa women’s singles ay nakipagtuluÂngan si Capadocia kay Maika Tanpoco upang talunin sina Clarice Patrimonio, anak ni dating four-time PBA MVP AlÂvin Patrimonio, at Fil-SpaÂnish Edlyn Balanga, 6-1, 4-6, 10-3, at angkinin ang gold medal sa woÂmen’s doubles.
Sa athletics sa Philsports Arena sa Pasig CiÂty, nagposte si Fil-Am hurdÂler Eric Cray ng bagong naÂtional record nang magÂlista ng bilis na 14.22 segundo sa heat ng men’s 110m hurdles.
Binura ni Cray, may kaÂmag-anak sa Olongapo, ang dating 14.58 oras ni Patrick Unso na naitala noÂong 2011 sa Southeast Asian Games sa Palembang, Indonesia.
Ang tiyempong 14.22 segundo ang naitala rin ni Cray sa UNF Springbreak Invitational noong Marso 5, 2011.
Ang 2013 National Games ay itinataguyod ng STI, Standard Insurance, Procter & Gamble, Summit Mineral Water, Ayala Corp., LBC, 7-11, Nestle-Milo, Aranas Law Office, Bala Energy Drink, Splash Islands, Enchanted Kingdom, Everlast, Innoderm, Peak Martial Arts, Kix Sports, BSP EmploÂyees Association at ng Spin.ph.