MANILA, Philippines - Kinuha ng kabayong Little Ms. Hotshot ang ikalawang sunod na panalo nang pakitaan ang mga kalahok ng malakas na pagtatapos sa karera na nangyari noong Miyerkules ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Sakay ni Pat Dilema ang apat na taong filly na may lahing Hard Spun at Carnegie Bal, napag-iwanan ito ng halos 10 dipa sa kalagitnaan ng 1,400-meters nang naunang Brite Olympian na ginabayan ni Jessie Guce.
Ngunit noong nag-init na ang Little Ms. Hotshot ay madali lamang nitong inabutan, una ang Ian’s Bet na nasa ikalawa bago tinuhog ang second choice na Brite Olympian na naiwanan ng dala-wang dipa sa meta.
Isang Summer Ra-cing Festival ang nasabing karera at ang handlers ng Little Ms. Hotshot ay kumabig ng P12,000.00 mula sa P20,000.00 na itinaya ng Philippine Racing Commission.
Nagpasok ng P7.50 ang win ng nasabing kabayo habang ang 10-11 forecast ay naghatid ng P38.00 dibidendo.
Ang tampok na panalo sa gabi ay kinuha ng Sliotar sa race one.
Second choice sa bentahan, lutang ang bangis ng takbo ng kabayong hawak ni NK Calingasan nang abutan nito ang paboritong Hyena sa huling 20-metro sa 1,300-metro race tungo sa panalo.
Inilabas ni Calinga-san ang kabayo upang maluwag na tinahak ang rekta at wakasan ng Sliotar ang ilang sunod na segundo puwestong pagtatapos sa huling mga takbo para maibigay sa kanyang connections ang P24,000.00 mula sa P40,000.00 premyo na pinagtulungang itaguyod ng Philracom at host Manila Jockey Club.
Dikit ang bentahan ng walong naglaban at ang win ay mayroong dibidendong P34.50 habang P66.50 ang ibinigay sa 3-2 forecast.