MANILA, Philippines - Wala nang magagawa ang Gilas Pilipinas kundi ang maglaro sa ibang international tournaments matapos bawiin ng Taiwan ang imbitasyon para sa 2013 R.W. Jones Cup na nakatakda sa Hulyo.
Sinabi kahapon ni Philippine Basketball Association Commissioner Chito Salud na kailangang magpakatatag ang Nationals, nagkampeon sa Jones Cup noong nakaraang taon kung saan nila tinalo ang United States sa finals sa pa-ngunguna ni LA Tenorio ng Ginebra.
“Unfortunate as it is, we need to move forward. We need to stay strong. We need to stay focused,†wika ni Salud sa Gilas ni head coach Chot Reyes.
Hindi inimbitahan ang Nationals sa Jones Cup dahil na rin sa isyu sa pagkakabaril ng isang Taiwanese fisherman noong Mayo 9.
Ang Jones Cup ay bahagi ng preparasyon ng Nationals para sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na nakatakda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay City.
Ang FIBA-Asia Men’s Championships ang siyang qualifying tournament para sa 2014 FIBA World Championships sa Spain kung saan tatlong Asian teams lamang ang makakapaglaro.
“We now have to find a replacement tournament as d Jones Cup is such an integral part of our preparation,†wika ni Reyes sa kanyang Twitter.
“We control our destiny. We will not be deterred in our quest to perform well in the coming FIBA Asia Championships, which our country will host,†sabi ni Salud sa pagpapatuloy ng ensayo ng Gilas II.
Samantala, nagpakita naman si Rain or Shine center Beau Belga sa team practice ng training pool sa San Juan Arena.