Dream Game: Blue vs Green: Ateneo, underdog sa La-Salle pero ibibigay ang lahat sa laban

MANILA, Philippines - Walang kaso sa Ateneo kung sila ang ituturing na underdog laban sa De La Salle  sa inaabangang sequel ng kanilang ‘Dream Game’ exhibition showdown sa June 2 sa Mall of Asia Arena.

Basta iginagarantiya nilang bibigyan nila ang kanilang mortal na karibal na eskuwelahan ng ‘one big fight.’

“Good thing is whenever these two schools battle, you can never underestimate any team,” sabi ni Sandy Ares-pacochaga na magko-coach ng Blue Eagles  sa event na tinaguriang ‘Blue vs. Green’ kung saan maghaharap ang mga Ateneo at La Salle players na nag-lalaro ngayon sa PBA.

Ang kaso ay may ilang Ateneo players na may injury kaya makakaapekto ito sa kanilang hangaring makabawi sa La Salle matapos ang 117-104 pagkatalo noong nakaraang taong edisyon ng fund raising exhibition game na ito.

 â€œWe will be short handed with a couple of players out, plus coach Norman (Black), too,” ani Arespacochaga ang pinagkatiwalaang assistant ni Black nang igiya niya ang Blue Eagles sa limang sunod na titulo sa  UAAP men’s basketball bago nito hinawakan ang Talk ‘N Text sa PBA.

Lalaro uli si Enrico Villanueva para sa Katipunan-based team bagama’t manggagaling ito sa ACL injury na natamo nito sa PBA Philippine Cup.

Hindi rin makakalaro sina LA Tenorio at Larry Fonacier ngunit makikita sa aksiyon sina Chris Tiu at Eman Monfort.

“The last game we lost too, so I guess we will be the underdogs,” dagdag ni Arespacochaga.

Ang iba pang lalaro para sa  Blue Eagles ay sina dating UAAP MVP Rabeh Al-Hussaini, Noy Baclao, JC Intal, Rich Alvarez, Doug Kramer, Wesley Gonzales, Paolo Bugia, Magnum Membrere at Eric Salamat.

Sa panig ng Archers, lalaro sina  MacMac Cardona, JV Casio, Mike Cortez, RenRen Ritualo, Joseph Yeo, Rico Maierhofer, Willy Wilson, TY Tang, Ryan Araña, Carlo Sharma, Don Allado, at rookie Simon Atkins.

 Si  Franz Pumaren, naghatid sa La Salle sa apat na sunod na titulo noong 1998 hanggang 2001, ang muling magmamando ng Archers.

Show comments